^

Probinsiya

Bataan binulabog ng bomb threat, klase at trabaho sinuspinde!

Jojo Perez - Pilipino Star Ngayon
Bataan binulabog ng bomb threat, klase at trabaho sinuspinde!
Nabatid na isang email mula sa isang nagpakilalang Takahiro Karasawa, na isa umanong Japanese lawyer, ang nagsabi na mayroon naka-set na “high-performance bombs” sa mga pasilidad ng Philippine government at nakatakdang sumabog sa ganap na alas-3:34 ng hapon, kahapon.
STAR/File

MANILA, Philippines — Nabulabog ang buong lalawigan ng Bataan matapos na makatanggap ng “bomb threat” mula sa isang nagpakilalang abogadong Hapones.

Nabatid na isang email mula sa isang nagpakilalang Takahiro Karasawa, na isa umanong Japanese lawyer, ang nagsabi na mayroon naka-set na “high-performance bombs” sa mga pasilidad ng Philippine government at nakatakdang sumabog sa ganap na alas-3:34 ng hapon, kahapon.

“Unlike previous bomb threat, it really explodes and many people die,” ayon sa email.

Ang naturang bomb threat ay inihayag ng The Schools Division Office ng Bataan sa kanilang flag raising cere­monies kahapon ng umaga para ialarma ang lahat ng government offices at mga paaralan.

Dahil sa pangyayari, una nang nag-isyu ng “memorandum of suspension” ng klase sa mga eskuwelahan at trabaho sa buong lalawigan ng Bataan si Schools Division Superintendent Roland M. Fronda.

Samantala, nagsasagawa na ng kaukulang aksyon ang Bataan Provincial Police Office na kung saan ay kailangan umanong seryosohin ang nasabing bomb threat at nararapat na gawin ang lahat upang maiwasan ang anumang pinsala.

BOMB

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with