^

Probinsiya

Patay sa Davao de Oro landslide umakyat na sa 10

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pumalo na sa 10 ang nasawi sa nangyaring landslide sa Maco, Davao de Oro, habang 83 pa ang pinapangambahang natabunan ng lupa.

Ito naman ang nabatid mula kay Philippine National Police Public Information Chief PCol. Jean Fajardo batay sa pinakahuling ulat na isinumite ng PRO 11, alas-3:00 ng hapon.

Magugunita na Martes ng gabi nang gumuho ang bahagi ng bundok na tumabon sa dalawang bus, ilang kabahayan at barangay hall sa Zone 1 Barangay Masara sa Maco town.

Nangyari ang insidente malapit sa isang mining site na mayroong tatlong shift na nagtatrabaho para sa 24 oras nitong operasyon.

Kabilang sa mga natabunan ang ilang manggagawa na pauwi na sakay ng dalawang bus.Pahirapan ang paghahanap sa mga biktima dahil sa lawak ng lugar na tinamaan ng pagguho.

Maliban sa tinatayang 30 manggagawa na sakay ng dalawang bus, may mga residente rin sa lugar ang pinapangambahang nabaon sa lupa.

Bukod sa mga nasawi sa landslide sa Maco, may naitala ring 21 nasawi dahil sa baha, pagkalunod at landslides sa iba pang lugar ng Davao de Oro at Davao del Norte, ayon sa provincial disaster risk reduction and management offices.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ang trahedya ay dulot ng ilang araw na pag-ulan sa bahagi ng Mindanao na sanhi ng Northeast Monsoon o Amihan at trough of a low pressure area (LPA).

vuukle comment

DAVAO DE ORO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with