2 mangingisda nasagip matapos 'banggain ng butanding' sa Romblon
MANILA, Philippines — Nailigtas ng mga kawani ng Philippine Coast Guard (PCG) ang dalawang mangingisda matapos lumubog ang sinasakyang bangka malapit sa probinsya ng Romblon dahil diumano sa isang butanding o whale shark.
Ayon sa Coast Guard ngayong Huwebes, hatinggabi ng ika-1 ng Pebrero nang mangyari ang insidente malapit sa vicinity waters ng Barangay Cantagda, Cajidiocan.
"After receiving a call regarding the incident, the PCG launched a search and rescue (SAR) operation," wika ng PCG sa isang pahayag kanina.
"During the inquiry, the fishermen said they were hit by a whale shark while underway, which caused the incident."
Kinilala ang mga na-rescue bilang sina Edgardo Lozano, 60-anyos, at Harry Lozano, 51-anyos. Kapwa residente ng Brgy. Maragondon, Bajidiocan, Romblon ang mga nabanggit.
Sa kabutihang palad, nasa maayos na physical condition naman aniya ang dalawa.
Dinala naman na ng search and rescue team ang dalawang Lozano pabalik ng Danao habang tinow naman ang kanilang fishing banca ng FBCA John Glemen.
Ligtas na nakabalik ang mga nabanggit sa kani-kanilang tahanan matapos ang ikinasang inquiry, panapos ng Coast Guard.
- Latest