^

Probinsiya

85 katutubo, pasok na iskolar ng kumpanya ng minahan

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines — Nasa 85 na katutubong mag-aaral sa kolehiyo ang muling naidag­dag sa scholarship program ng isang kum­panya ng minahan na nakabase sa Barangay Didipio, Kasibu ng lalawigang ito.

Ang bagong bilang ng mga katutubong mag-aaral mula sa iba’t ibang tribu ay pinagtibay sa pamamagitan ng isang Memorandum of Agreement (MOA) na nilagdaan ng mga opisyal ng National Commission on Indigenous People (NCIP), Indige­nous People Mandatory Representative (IPMR), Bureau of Mines and Geosciences (MGB) at ang Didipio Mine ng OceanaGold Philippines Inc. (OGPI) sa pamamagitan ng kanilang Indige­nous Peoples Scholar­ship Programs.

Ayon kay Atty. Joan Adaci-Cattiling, presidente ng Didipio Mine, ang IP scholarship sa ilalim ng Community Development Fund (CDF) ay isa lamang sa mga scholarship programs ng kumpanya na itinatag para lamang sa mga IP college students mula sa lalawigan ng Nueva Vizcaya at Quirino.

Maliban sa IP scholars, unang inilunsad ng Didipio Mine ang Development of Mining Technology and Geosciences (DMTG) scholars para naman sa mga mag-aaral na kumukuha ng mga kursong Mining and Metallurgical Engineering, Geology, Electrical, Mechanical, Forestry at Agriculture kung saan nasa 260 na mag-aaral na ang nakapagtapos.

Ang mga Didipio Mine scholars ay tumatanggap ng allowance na P10,000 hanggang P12,000 kada buwan, maliban sa libreng matrikula at iba pang bayarin sa mga pribadong at kilalang unibersidad.

Ayon kay Cattiling, aabot sa 403 scholars ang target ng kumpanya na matulungan ngayong taon.

SCHOLARSHIP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with