^

Probinsiya

Bagong motor tanker, pinasinayaan ng Herma Shipyard sa Bataan

Pilipino Star Ngayon
Bagong motor tanker, pinasinayaan ng Herma Shipyard sa Bataan
Ang pinasinayaang brand new M/Tkr Mayabong na gawa ng Herma Shipyard Inc., isang 100% Filipino-owned na kumpanya sa ilalim ng Ship Building and Maritime Infrastructure Division ng The Herma Group, na kayang magkarga ng 12,000 bareles ng petrolyo.

MARIVELES, Bataan, Philippines — Pinasinayaan ng Herma Shipyard Inc. (HSI), isang 100% Filipino-owned ship building at ship repair company sa ilalim ng Ship Buil­ding and Maritime Infras­tructure Division (SBMID) ng Herma Group, ang 12MB tanker na pinangalanang Motor Tanker Mayabong (M/Tkr Mayabong), dito sa lalawigan.

Ang launching at christening ceremonies sa M/Tkr Mayabong ay pinangunahan ng chairman at CEO ng Herma Group na si Herminio S. Esguerra nitong nagdaang Biyernes sa Mariveles.

Ang nasabing barko ay ginawa para sa sister company na Herma Shipping and Transport Corporation (HSTC). Kapag nai-deliver na, ang nasabing barko ay maituturing na isa sa mga pinaka-fuel efficient at “environmentally sustainable home-grown product tankers” sa Pilipinas.

Tiniyak ng nasabing shipping company na ang pagbuo ng M/Tkr Mayabong ay naaayon sa mga patakaran o panuntunan ng Maritime Industry Authority o MARINA at Philippine Re­gistry of Shipping class rules and regulations.

Ang M/Tkr Mayabong ay may kabuuang kapasidad na 2,208.00 cubic meters o 12,000 U.S. barrels.

“The vessel, along with others in its fleet, will contribute tremendously to fueling the Philippine economy,”  pahayag ni HSI Chief Operating Officer Atty. Nathaniel S. Joquiño, ret. Capt. ng Philippine Navy.

Kasama sa mga dumalo sa seremonya sina Environmental Management Services Division Managing Director Jose Exiquel Esguerra, Corporate Services Division Managing Director Judithea Esguerra-Ibuyan, Ship Building and Maritime Infrastructure Managing Director Captain Emelito Sosa, HSI COO Atty. Nathaniel Joquiño; member of the Board of Directors of the Herma Group of Companies, Atty. Gabriel B. Esguerra; at Petroleum Supply Chain Division COO Benedict Julius Ibuyan.

vuukle comment

MOTOR

TANKER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with