^

Probinsiya

9 ‘tulak’ timbog sa Bulacan, P108K droga nakumpiska

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon
9 ‘tulak’ timbog sa Bulacan, P108K droga nakumpiska
Sa siyudad ng Meycauayan, dalawang high value individual ang naaresto ng mga awtoridad sa isinagawang drug bust operation sa Brgy. Lawa, Meycauayan City.
STAR / File

MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Aabot sa P108,000 na halaga ng ipinagbaba­wal na droga ang nakum­piska ng mga awtoridad sa magkakahiwalay na drug bust operation sa lalawigan ng Bulacan kamakalawa ng gabi.

Sa siyudad ng Meycauayan, dalawang high value individual ang naaresto ng mga awtoridad sa isinagawang drug bust operation sa Brgy. Lawa, Meycauayan City.

Kinilala ni P/Col. Relly Arnedo, Bulacan Police Director ang dalawang naarestong suspek na sina Charlie Carillo, 41, binata, helper ng Magdalena st. Brgy. 150 Bagong Barrio, Caloocan City at Arman Ramirez, 33, binata, walang trabaho ng Blanco Compound, Brgy. Bancal, Meycauayan City, Bula­can. Nakumpiska sa dalawa ang apat na sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P34,516.00.

Kasabay nito, 36 na sachet ng hinihinalang shabu ang nakumpiska ng mga awtoridad sa 9 na drug suspect sa magkakahiwalay na drug bust operation sa bayan ng Obando, Plaridel, Sta. Maria at sa siyudad ng San Jose del Monte at Malolos sa Bulacan.

Aabot sa P73,712.00 ang halaga ng nakum­piskang shabu mula sa nasabing operasyon sa Obando.

DROGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with