^

Probinsiya

Lola bugbog-sarado sa 2 sadistang apo

Doris Franche-Borja, John Unson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bugbog-sarado ang isang lola nang pagtulungang gulpihin ng kanyang dalawang apong sadista na kanyang sinasaway sa pag-inom ng alak sa Midsalip, Zamboanga del Sur.

Nagtamo ng black eye at pasa sa iba’t ibang bahagi ng katawan si Rosenda Aligo, 64-anyos, mula sa kanyang magkapatid na apo na 20 at 18-anyos.

Ayon kay Police Staff Sergeant Mechael Abdon, imbestigador ng Midsalip Municipal Police Station, rumesponde sila sa lugar matapos makatanggap ng ulat tungkol sa ginawang pananakit kay Aligo ng mga apo.

Naganap ang panggugulpi ng mga suspek sa biktima nitong Huwebes, Enero 18, 2024, sa kanilang tahanan sa Barangay New Katipunan, Midsalip sa Zamboanga del Sur, makaraang pagsabihan ng lola ang mga apo na tigilan na ang pag-inom ng alak dahil madalas nananakit sa tuwing kapwa nalalasing.

Imbes na makinig sa payo ng lola, labis na ikinagalit ng magkapatid na humantong sa pamamalo ng kahoy sa ulo at mukha ng biktima ng 20 anyos na apo habang pinagsisipa pa siya ng 18-anyos sanhi ng mga inabot na mga pasa at black eye ng matanda.

Nabatid na tanging ang biktima lamang ang kasama at nag-aalaga sa dalawang suspek. Nasa kustodiya na ng pulisya ang mga suspek.

vuukle comment

ABUSE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with