7 patay matapos landslide, pagbaha dulot ng CARAGA, Davao shear line
MANILA, Philippines — Umabot na sa pitong katao ang naiulat na namatay dulot ng shear line sa CARAGA at Davao Region ngayong linggo, bagay na nagdala ng mga pagguho ng lupa at pagbaha.
Sinabi ng Office of Civil Defense ngayong Biyernes na bineberipika pa sa ngayon ang pitong nasawi at dalawang sugatan sa mga naturang rehiyon:
- apektadong populasyon: 270,206
- nasa loob ng evacuation centers: 14,921
- nasa labas ng evacuation centers: 21,870
Martes lang nang maapektuhan ng shear line ang silangang bahagi ng Visayas at Mindanao na siyang nagdala ng flooding at landslide incidents.
"OCD Regional Offices, concerned [Local Disaster Risk Reduction Management Offices], and government agencies are conducting coordination and monitoring," wika ng OCD ngayong araw.
"[We have already] prepositioned response resources and man power [and] conducted preemmptive evacuation and provided assistance to evacuees."
Kasalukuyang nasa state of calamity ang barangay Cambanogoy sa Asuncion (Saug), Davao del Norte matapos ang insidente dahilan para magpatupad doon ng automatic price freeze sa mga batayang pangangailangan sa mga susunod na araw.
Dahil sa sama ng panahon, limang lugar pa rin ang walang kuryente habang 11 na kalsada at apat na tulay ang hindi madaanan. Bukod sa isang bahay na napinsala, wala pang datos ang gobyerno patungkol sa halaga ng damages sa infrastructure at agriculture.
Umabot naman na sa P6.47 milyong halaga ng ayuda na ang naibibigay sa mga nasalanta bilang pagtugon sa sama ng panahon.
- Latest