^

Probinsiya

Negosyante, kaibigan itinumba sa meat store

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

SAN ANTONIO, Quezon, Philippines — Kapwa bulagta ang isang negosyante at kanyang kaibigan matapos silang pagbabarilin ng nag-iisang salarin sa loob ng tindahan ng karne sa Barangay San Jose ng bayang ito, kahapon ng madaling araw.

Ang mga biktima na kapwa nagtamo ng mga tama ng bala ng hindi pa batid na kalibre ng baril sa kanilang mga ulo at katawan ay kinilalang sina Jay-R Burgos Matanguihan, 30-anyos, at Mark Johndel Aguila Robles, 22-anyos, operator sa RPHM Electronics at residente ng Barangay Poblacion sa nasabing bayan.

Tumakas naman patungo sa direksyon ng Tiaong, Quezon ang suspek na nakilala lamang sa alyas “Ikong” matapos isagawa ang krimen.

Ayon kay San Antonio Municipal Police Station chief, Hubert Reuben Jabrica, bandang alas-12;50 ng madaling araw ay nakikipag-inuman ang mga biktima sa iba pa nilang mga kaibigan nang duma­ting ang suspek na sakay ng isang motorsiklo.

May hinahanap umano ang suspek at nang hindi makita ay nilapitan ang mga biktima at sinabihan ng “May problema ako, huwag kayong sumali” saka bumunot ng maiksing baril at makailang beses na pinaputukan ang dalawa.

Tinutugis na ng pulisya ang suspek na nahaharap sa kasong 2 counts of murder.

vuukle comment

JAY-R

POBLACION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with