^

Probinsiya

Batangas governor pinalitan si Executive Secretary Bersamin, fake news

Arnell Ozaeta - Pilipino Star Ngayon

BATANGAS, Philippines — Mariing pinabulaanan ni Batangas governor Hermilando Mandanas ang lumabas na social media post na nagsasabing itinalaga siyang bagong executive secretary kapalit ni dating Chief Justice Lucas Bersamin.

Umalma si Mandanas sa Facebook post ng Philippine Chamber of Commerce-Batangas (PCCI) habang binabati siya sa kanyang bagong posisyon.

Nakasaad sa nasabing post ang --”Congratulations Gov. Dodo Mandanas as the new Executive Secretary replacing ES Bersamin”.

Sa isinagawang beripikasyon ng PSN, pinabulaanan ni Mandanas ang nabanggit na appointment.

“Not true. I have not even received any invitation to be ES. There is nothing to accept. I am Governor of the Province of Batangas.” ani Mandanas sa kanyang text message.

Gayunman, tinanggal na ang nasabing post sa Facebook account ng PCCI habang ginagawa ang balitang ito.

Tinanong din si Batangas Vice-Governor Mark Leviste kaugnay sa nabanggit na appointment at tumugon siya ng---  “I’ve received several messages since the Holidays, but not one from Gov. Dodo re this matter.”

Nang kunan naman ng pahayag ang social media administrator ng PCCI-Batangas ukol sa naipost nila-” They are not issuing any other statement until a much clearer advisory is in their hand” – anila.

PCCI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with