^

Probinsiya

Bulkan Bulusan yumanig ng 71 beses

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

BULUSAN, Sorsogon, Philippines — Muling nagbabala ang Philippine Volcanolo­gy and Seismology (Phivolcs) sa lahat ng residente na iwasang pumasok sa mga danger area ng Mt. Bulusan sa Sorsogon matapos na tumaas ang bilang ng mga pagyanig ng bulkan kahapon.

Sa inilabas na datos ng Phivolcs, alas-10:00 ng umaga, sa loob ng 24 oras na obserbasyon ng Bulusan Volcano Network (BVN) ay naitala nila ang 71-volcanic tectonic earthquakes na sinabayan ng rock fracturing o pagkabasag ng mga bato na ang pinakamalakas ay nagsisimula sa 0.3 ML hanggang 2.2 ML na nangyari sa 1 hanggang 6 na kilometro sa southern flank ng katawan ng bulkan.

Patuloy naman ang degassing activity sa summit crater at paglabas ng plumes na bumabagsak sa west at southeast.

Ang mga pagyanig ay indikasyon na may mababaw na hydrothermal activity na nangyayari na posibleng maging dahilan nang pagkakaroon ng steam-driven o phreatic explosion.

Mahigpit na ipinagbabawal sa sinumang pumasok sa 4-kilometer permanent danger zone at 2-kilometrong exten­ded danger area. Bina­laan maging ang mga eroplano na dumaan malapit sa crater.

vuukle comment

BULKAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with