^

Probinsiya

Pharmacy niransak, kita nilimas ng ‘akyat-bahay’

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Aabot sa ilang libong pisong hala­ga ng pinagbentahan ng isang pharmacy ang nilimas matapos itong pasukin ng hinihinalang “akyat bahay gang” kahapon sa Unit 9 Heritage Bldg. D. Mangubat Avenue, Barangay Burol Main, Dasmariñas City.

Sa nakalap na ulat mula sa pulisya, alas-8:30 ng umaga nang madiskubre ng isang staff ng Zure RX Pharmacy na pinasok ang kanilang botika.

Sa salaysay ng empleyado sa pulisya, pumasok siya sa trabaho sa pharmacy ng nasabing oras at gumulantang sa kanya na sira na ang padlock at nakaangat ang rollup door nito.

Pagpasok ng staff sa loob, dito niya nadiskubre na magulo ang mga gamit at wala na ang malaking halaga ng pera sa kanilang vault.

Kasalukuyan nang nagsasagawa ng followup operation at investigation ang pulisya at nangangalap na rin ng mga kopya ng CCTV para sa posibilidad na makilala ang mga suspek.

vuukle comment

DASMARIñAS CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with