^

Probinsiya

Mag-ama ginilitan, pinagtataga sa Quezon

Ed Amoroso, Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
Mag-ama ginilitan, pinagtataga sa Quezon
Ang magsasakang si Dominador makaraang gilitan at pagtatagain ng dating kinakasama ng kanyang anak, habang pinatay rin ng suspek ang anak ng biktima sa hiwalay na bahay sa Malunay, Quezon kamakalawa.
Malunay PNP

Ex-live in partner naburyong sa selos

MANILA, Philippines — Karumal-dumal ang sinapit na kamatayan ng 67-anyos na magsasaka at anak niyang binata matapos silang gilitan at pagtatagain ng dating kinakasama ng anak ng una nang maburyong umano dahil sa selos, sa magkahiwalay na tahanan ng mag-ama sa Malunay, Que­zon, nitong Huwebes ng hapon.

Kinilala ng Malunay Police ang mga biktima na sina Dominador Constantino, alias “Dominador” at anak niyang si Rodelio Constantino, 27-anyos, construction worker; pawang nakatira sa Sitio Bulagsong, Barangay Sta. Rosa, Malunay, Quezon.

Sa ulat ng pulisya, si Dominador ay natagpuan ng kanyang anak na babae na si Leslie na patay na habang naliligo sa sariling dugo at may mga taga sa leeg sa kusina ng kanilang bahay.

Sumunod namang nadiskubre ang bangkay ni Rodelio na may mga taga rin sa leeg sa loob ng kanyang bahay, may 200 metro ang layo mula sa tahanan ng kanyang amang si Dominador.

Natukoy naman ng pulisya ang pumatay sa mag-ama na isang alias “Efren”, dating live-in partner ng anak na babae ni Dominador na si Leslie.

Ang krimen ay agad ini-report ni Leslie sa awtoridad matapos niyang madiskubre na kapwa brutal na pinatay ang kanyang tatay at kapatid ng kanyang dating kinakasama.

Nauna sa krimen, lumabas sa inisyal na imbestigasyon na dumating ang suspek dakong alas-10 ng umaga sa bahay ni Dominador at sinabing nawawala ang kanyang pera.

Kasunod nito, galit na hiniram ng suspek ang bolo mula kay Dominador para umano mag-ani ng saging na kanyang ibebenta upang kumita at magkaroon ng pera.

Nabatid na naiwan si Dominador sa loob ng kanilang bahay at kasama lang nito ang maysakit na anak na babae, nang umalis naman sina Leslie at inang si Rosita papunta sa Mulanay town proper para sa negosyo.

Gayunman, pagbalik ng mag-inang Leslie at Rosita, laking gulat nila nang madiskubreng patay na si Dominador at kalaunan ay napag-alaman na patay rin si Rodelio, habang ang suspek ay wala na at nawawala na rin ang itak.

Lumalabas sa imbestigasyon na nais ng suspek na maki­pagbalikan kay Leslie subalit makailang ulit umano nitong tinanggihan dahil sa may kinakasama na rin ito at nagtatrabaho sa ibang bansa.

Natukoy ng pulisya na ang posibleng motibo ng suspek sa krimen ay ang matinding panibugho.

vuukle comment

DOMINADOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with