^

Probinsiya

Van salpok sa puno: 6 patay, 11 sugatan

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

Matapos ang masayang bakasyon

MANILA, Philippines — Nauwi sa malagim na trahedya ang masayang pagbabakasyon ng isang pamilya nitong Pasko at Bagong Taon sa Bicol nang sumalpok ang sinasakyan nilang van sa isang mala­king puno sa gilid ng highway na ikinasawi ng anim katao at pagkasugat ng 11 iba pa sa kahabaan ng Go­vernor’s Drive, Brgy. Sabang, Naic, Cavite, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang mga nasawi na sina Jether Tatel Ayuban, 27, driver ng van; Jamie Alibanto Vasquez; Ralph Noel Almoguera Vasquez; Norilie Brocales Vasquez; Lea Alibanto Vasquez; at Geronimo Canaway Dela Cruz.

Ilan sa 11 nasugatan ay kinilalang sina Bernardo Taño; Ariel Rivera; Pante Bry Precillano; Noel Vasquez; Jamin Vasquez; Fernando Rañon; Sanito Brocales; at Jackie Vasquez, pawang magkakamag-anak.

Sa imbestigasyon ni P/Corporal Robinson Tercia, bago naganap ang aksidente, alas-4:30 ng mada­ling araw ay sakay ang mga biktima ng L300 van (Y2J856) at minamaneho ni Ayuban mula sa pagbabakasyon nitong Pasko at Bagong Taon sa Bicol at pauwi na sa kanilang tahanan sa Cubao, Que­zon City.

Dumaan lang ito sa isang lugar sa Naic dahil sa may ibinabang pasahero at habang binabagtas ang Governor’s Drive ay nakaidlip umano ang driver at huli na nang sumalpok ito sa malaking puno sa gilid ng highway.

Sa tindi ng pagkakasalpok ay nawasak ang nasabing van na ikinaipit ng mga sakay nito.

vuukle comment

BICOL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with