^

Probinsiya

65-anyos pinugutan, ulo ‘iniregalo’ sa inuman

Doris Franche-Borja, John Unson - Pilipino Star Ngayon

COTABATO CITY, Philippines — Isang lola ang pinugutan ng ulo ng kanyang kapitbahay na lalaki nang magkaroon sila nang pagtatalo tungkol sa mga basura at matitinik na mga tanim sa gilid ng isang daan sa Barangay Canayugan, Bayugan City, Agusan del Sur, nitong Martes ng hapon.

Sa hiwalay na pahayag kahapon ng Bayugan City Police Office at Agusan del Sur Provincial Police Office, umamin sa mga pulis ang naarestong suspek na si Mario Fortun, 48 sa ginawang pagpugot ng ulo sa 65-anyos na si Rosalina Abing sa loob mismo ng tindahan nito.

Bago naganap ang krimen ay kinompronta ng suspek na noon ay lasing ang biktima na iligpit ang mga basu­ra nito at alisin ang mga halamang tinik sa harap ng kanyang tindahan dahil marami na umanong dumadaan sa gabi ang natitinik.

Ikinagalit umano ito ng biktima at minura ang suspek at tinawag pang magnanakaw na ikinagalit nito at nauwi sa mainitang pagtatalo.

Sa gitna ng pagtatalo ay kinuha ng suspek ang kanyang itak at pinugutan ng ulo ang biktima na ang ulong pugot ay binitbit at dinala sa mga kaibigan na kanyang kainuman para ipakita ang ginawa sa biktima.

Mabilis namang naaresto si Fortun ng mga kasapi ng Bayugan CPO at ng mga barangay tanod na nag­responde sa insidente, ngayon ay nahaharap na sa kaukulang kaso.

vuukle comment

AGUSAN DEL SUR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with