2 Babae pinatay sa saksak ng biyudo sa Davao City
January 5, 2024 | 12:00am
MANILA, Philippines — Patuloy ang manhunt operation ng mga otoridad laban sa isang 52-anyos biyudong lalaki na pinatay sa saksak ang dalawang babae sa Purok 1, Barangay 2A, Davao City, kahapon ng umaga.
Inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan ng dalawang babaeng nasawi na nagtamo ng mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Habang ang suspek na mabilis na tumakas pagkatapos gawin ang krimen ay kinilalang si Marcial Gonzales.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa motibo ng pagpatay ng suspek sa dalawang babae.
BrandSpace Articles
<
>
Philstar
- Latest
Latest
Latest
Recommended