5.1 magnitude lindol tumama sa Surigao del Sur
MANILA, Philippines — Niyanig ng lindol na nasa 5.1 magnitude ang Surigao del Sur kahapon ng umaga.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), dakong alas-9:11 ng umaga nitong Miyerkules nang tumama ang lindol na ang sentro ay naitala sa may 032 kilometro ng timog silangan ng Hinatuan Surigao del Sur.
Ayon sa Phivolcs, umaabot sa 025 kilometro ang lalim ng lupa sa naganap na lindol na tectonic ang origin ng lindol.
Bunga nito, naramdaman ang lakas ng lindol sa Intensity 5 sa Bislig City at Hinatuan, Surigao del Sur.
Intensity 3 naman sa City of Tandag at Lingig, Surigao del Sur at Intensity II sa Tagbina, Lianga, Bayabas, at Cagwait, Surigao del Sur.
Dagdag ng Phivolcs, walang inaasahang aftershock kaugnay sa naganap na lindol.
Ayon sa Phivolcs, ang naganap na pagyanig ay aftershocks ng nagdaang 7.4 magnitude na lindol sa Hinatuan, Surigao del Sur, kamakailan.
- Latest