^

Probinsiya

Pulis napatay sa drug bust ops

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Pulis napatay sa drug bust ops
Members of the Philippines National Police on July 20, 2023
STAR/Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Isang pulis ang nasawi habang nasugatan ang isa sa dalawang suspek na kanyang nakabarilan nang pumalag sa inilatag na buy-bust operation sa compound ng Baao Catholic Cemetery sa Brgy. Buluang, Baao, Camarines Sur, kama­kalawa ng hapon.

Nasawi habang nilalapatan ng lunas sa Bicol Medical Center sa Naga City makaraang mapuruhan ng punglo sa katawan ang biktima na kinilalang si Staff/Sgt.Richard Rodero, inte­lligence officer ng Tinambac Municipal Police Station.

Patuloy namang ino­obserbahan sa pagamutan ang sugatang suspek na si Marvin Badilla habang tinutugis ang nakatakas na isa pang suspek na kinilalang si Allan Sumayao.

Sa ulat, pasado alas-3:00 ng hapon sa tulong ng mga kasapi ng Baao Municipal Police Station ay inilatag ng Tinambac Police ang buy-bust ope­ration laban kay Badilla at Sumayao na piniling makipagtransaksyon sa poseur buyer sa loob ng sementeryo sa bayan ng Baao. Gayunman, habang ginagawa ang transaksyon ay nakahalata ang mga suspek na pulis ang kanilang kaharap kaya bigla ang mga itong bumunot ng hindi malamang kalibre ng baril at pinutukan si Staff/Sgt.Rodero.

Bagama’t sugatan ay nakuhang bumunot ng kanyang baril at naki­pagpalitan ng putok ang pulis dahilan para masapol din si Badilla. Nagawa namang makatakas si Sumayao.

Kapwa duguang isinugod ng mga ope­ratiba ang sugatang kabaro at suspek sa pagamutan pero dahil sa maselang tama ay nasawi ang biktima.

vuukle comment

PULIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with