^

Probinsiya

Van salpok sa nakaparadang trak: 14 sugatan

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
Van salpok sa nakaparadang trak: 14 sugatan
Ayon sa Gumaca Police, nagtamo ng grabeng pinsala ang nagmamaneho ng van na nakilala lamang sa alyas na “Junard”, 40 anyos ng Catanauan, Quezon at isinugod sa RAKK Hospital sa Gumaca subalit inilipat din kaagad sa Quezon Medical Center (QMC) sa Lucena City dahil sa malubhang kalagayan.
STAR/ File

GUMACA, Quezon , Philippines — Sugatan ang 14 na katao matapos sumalpok ang kanilang sinasakyang passenger van sa nakaparadang trak sa gilid ng national highway na sakop ng Barangay Casasahan Ilaya sa bayang ito, kamakalawa ng hapon.

Ayon sa Gumaca Police, nagtamo ng grabeng pinsala ang nagmamaneho ng van na nakilala lamang sa alyas na “Junard”, 40 anyos ng Catanauan, Quezon at isinugod sa RAKK Hospital sa Gumaca subalit inilipat din kaagad sa Quezon Medical Center (QMC) sa Lucena City dahil sa malubhang kalagayan.

Samantala, sugatan din sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang tinamo ng 13 pasahero nito na kinabibilangan ng 9 na lalaki at apat na babae.

Patungo umano sa lungsod ng Lucena ang van dakong alas-3:00 ng hapon nang mawalan ng kontrol sa manibela si alyas Junard at tinumbok ang trak na nakaparada sa gilid ng highway.

QMC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with