Sandro namahagi ng ayuda sa 500 constituents
MANILA, Philippines — Bilang pagbibigay diwa sa panahon ng Kapaskuhan, namahagi ng ayuda si presidential son at Senior Deputy Majority Leader Sandro Marcos sa kaniyang mga constituents sa 1st District ng Ilocos Norte.
Si Marcos ay dumalo sa unang batch ng nasa 500 katao mula sa 3,000 pamilyang beneficiaries ng Pay-out para sa Tulong Dunong Program.
Samantalang personal ding nagpakita si Sandro sa dalawang payouts para sa iba’t ibang subsidiya.
Ang pamamahagi ng payouts ni Sandro ay idinokumento pa nito sa kaniyang Facebook account na umani ng maraming likes.
Inihayag naman ng batang Marcos na isinasabuhay lamang niya ang pagbibigayan na kabilang sa diwa ng Kapaskuhan.
Sa ilalim ng Tulong Dunong program ang mga benepisyaryo ay makakatanggap ng kabuuang subsidiya na P15,000. Nasa 500 estudyante naman ang tumanggap ng P7,500 ayuda bawat isa at susunod na semestre ay tatanggap naman ng panibagong P7,500 bilang tulong sa kanilang pag-aaral.
Samantalang nito lamang nakalipas na Huwebes ay pinangunahan ng batang Marcos ang pamamahagi ng ayudang pagkain at medical assistance payout sa Laoag City ng kanilang lalawigan. Nasa kabuuan nang P15.3 milyong halaga ng ayuda ang naipamahagi ng presidential son sa kabuuang 5.079 beneficiaries.
- Latest