^

Probinsiya

Mag-asawa pinatay, ninakawan ng adik na pamangkin

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Mag-asawa pinatay, ninakawan ng adik na pamangkin
Batay sa imbestigasyon ng pulisya, sinabi ni Police Captain Jester Calis, hepe ng Santo Tomas Police Station, tinangka pa ni Rolando na lumaban sa salarin pero sinaksak siya ng pamangking suspek dahilan ng kaniyang pagkamatay.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Pinagnakawan at saka pinatay ang isang mag-asawa ng kanilang pamangkin na bagong laya sa kulungan sa Santo Tomas, Pampanga.

Dead-on-the-spot ang mga biktima na sina Rolando David, 76; at misis nitong si Rosario, 66, kapwa ng Barangay San Vicente ng nasabing bayan.

Himas rehas naman si Raymond Fernando, 48-anyos na ayon sa report ay naka droga nang gawin ang krimen.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, sinabi ni Police Captain Jester Calis, hepe ng Santo Tomas Police Station, tinangka pa ni Rolando na lumaban sa salarin pero sinaksak siya ng pamangking suspek dahilan ng kaniyang pagkamatay.

Lumalabas na sinunod na pinatay ng suspek sa pamamagitan ng sakal ang tiyahin na si Rosario.

“Yung victim nating lalaki, allegedly ­na­ki­­paglaban pa sa salarin. ‘Yung initial findings ng SOCO, namatay siya sa stab wounds. ‘Yung babae naman sa kuwarto, namatay siya sa strangulation,” ayon kay Calis.

May nawawala umanong mga gamit sa bahay ng mga biktima kabilang ang mga alahas.

Naging suspek sa krimen si Fernando na kalalaya lang sa kulu­ngan dahil sa kasong ilegal na droga, at may nakapagbigay ng impormasyon na dati nang nanakawan ang mag-asawa.

Nang puntahan nila ang suspek, sinabi ni Calis na may nakitang mga alahas at pera na dala nito.

“Pinuntahan namin ‘yun, pinataas namin ‘yung damit niya kasi may nakaumbok doon sa may tagiliran niya, [tapos] nakita naming may pera at alahas. ‘Yun, nagduda na kami na ‘yung alahas na ‘yon ay sa victim,” ani Calis.

Idinahilan ng suspek na kailangan niya ng pera. Hindi na nagbigay ng pahayag ang mga kaanak ng biktima na desididong kasuhan ang salarin.

ROLANDO DAVID

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with