^

Probinsiya

Mag-ina, 1 pang kaanak tepok sa outing

John Unson - Pilipino Star Ngayon
Mag-ina, 1 pang kaanak tepok sa outing
Isa sa tatlong nalunod ang sinubukang isalba pero nasawi rin matapos mag-outing sa beach resort sa Opol, Misamis Oriental nitong Linggo.
John Unson

COTABATO CITY, Philippines — Kalunus-lunos ang sinapit ng isang mag-ina at isa pang kamag-anak matapos silang masawi nang mauwi sa trahedya ang masaya sana nilang fa­mily outing sa isang beach resort sa Barangay Barra, bayan ng Opol sa Misamis Oriental nitong Linggo.

Sa ulat ng Opol Municipal Police nitong Lunes, hindi na naisalba pa ng mga emergency responders ang buhay nina Charlene Delante, anak na si Nica, at ang kanilang  kaanak na si Ashley Kilnet na isang menor-de-edad matapos silang malunod sa beach.

Sa salaysay ng kanilang mga kasama sa outing, unang nalunod si Delante at tangka sanang sagipin ni Nica at Ashley na nakumpirmang parehong hindi naman pala marunong lumangoy kaya parehong nilamon din ng dagat at nalunod.

Saka lang napansin na nalunod na ang tatlo ng kanilang mga kasama ng mapunang sila ay nawawala na.

Tinangka pang isalba ng mga rescuers ang isa sa mga biktima na unang natagpuan sa pamama­gitan ng basic first aid subalit sila ay nabigo.

vuukle comment

MISAMIS ORIENTAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with