^

Probinsiya

Babae pinasok, pinatay habang naliligo!

Joy Cantos, Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Babae pinasok, pinatay habang naliligo!
Kinilala ng pulisya ang biktima sa alias Angel, nasa hustong gulang, residente ng Tabing-Dagat, Barangay Talaba 2, Bacoor City, Cavite.Tinutugis naman ng pulisya ang suspek na tinukoy lang sa alyas “Joel” na nagpapadala umano ng pagbabanta sa biktima.
STAR / File

Matapos makatanggap ng pagbabanta

CAVITE, Philippines — Patay na habang hubo’t hubad na duguang nakahandusay sa loob ng kanilang banyo ang isang babae matapos pasukin at pagbabarilin habang naliligo ng isang lalaki na nagbabanta umano sa kanya kamakalawa ng gabi sa Barangay Talaba 2, Bacoor City.

Kinilala ng pulisya ang biktima sa alias Angel, nasa hustong gulang, residente ng Tabing-Dagat, Barangay Talaba 2, Bacoor City, Cavite.Tinutugis naman ng pulisya ang suspek na tinukoy lang sa alyas “Joel” na nagpapadala umano ng pagbabanta sa biktima.

Sa imbestigasyon ng pulisya, alas-8:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng biktima.
Sa salaysay ng ina ng biktima, kasalukuyang naliligo ang kaniyang anak sa kanilang banyo nang may biglang puma­sok na lalaki sabay salya sa pintuan ng palikuran saka pinagbabaril ang kasalukuyang naliligong biktima.

Nang makarinig ng mga putok, agad pinuntahan ng ina ang banyo at tumambad sa kanya ang anak na duguang nakabulagta.

Sa pagsisiyasat ng pulisya at sa paha­yag ng ina, ilang araw na umanong nakata­tanggap ng pagba­banta sa buhay ng biktima sa suspek na nag-ngangalang “Joel”.

Nagsasagawa na ng follow-up operation ang pulisya upang madakip ang suspek at mabatid ang motibo sa pamamaslang.

BACOOR CITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with