Paslit nakalunok ng candy, tepok!
MANILA, Philippines — Patay ang isang 7-anyos na batang lalaki nang mabulunan sa nalunok na gummy ball na candy sa Barangay Poblacion, San Remigio sa Antique, ayon sa ulat kahapon.
Ayon sa tiyahin ng biktima na itinago sa pangalang Tristan, nagpabili ito ng gummy ball candy sa kanyang inang si Ara sa tindahan.
Agad na kinain ng bata ang candy subalit nagulat na lamang sila nang makitang nahihirapan na siyang huminga.
Hindi sinasadya umanong nalulon ng biktima nang buo ang bilog na candy sanhi upang bumara ito sa kanyang lalamunan.
Isinugod sa ospital ang biktima at tinanggal ang nakabarang candy subalit binawian din siya ng buhay.
- Latest