^

Probinsiya

Big-time drug dealer timbog sa P1.3 milyong shabu sa Christmas wrapper

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Big-time drug dealer timbog sa P1.3 milyong shabu sa Christmas wrapper
Ibinalot pa ng suspek sa Christmas wrapper ang bitbit na shabu nang makipag-deal sa isang poseur buyer na kinilala lamang sa alias “Dimnatan”, nasa hustong gulang, isang high value target (HVT) ng pulisya at big-time dealer at tulak ng droga sa lalawigan.
Philstar.com / Jovannie Lambayan, file

CAVITE, Philippines — Arestado ang isang big-time drug dealer matapos masamsaman ng nasa P1.3 milyong halaga ng shabu na naka-gift wrap pa sa isang drug operation na inilatag ng pulisya kamakalawa ng hapon sa Brgy. Maderan, Gen. Mariano Alvarez, Cavite.

Ibinalot pa ng suspek sa Christmas wrapper ang bitbit na shabu nang makipag-deal sa isang poseur buyer na kinilala lamang sa alias “Dimnatan”, nasa hustong gulang, isang high value target (HVT) ng pulisya at big-time dealer at tulak ng droga sa lalawigan.

Sa nakalap na ulat kay Police Col. Randy C Oliquino, hepe ng pulisya sa lungsod na ito, alas 3:40 ng hapon nang ilatag ng pinagsanib na puwersa ng Provincial Drug Enforcement Group Special Operation Unit 4-A , katuwang ang GMA Police at Cavite Provincial Intelligence Unit ang buy-bust operation laban sa suspek.

Nakipag-deal ang tumayong poseur buyer at nang magpositibo ay inaresto ang suspek.

Nakuhanan ng 2 transparent plastic na naglalaman ng shabu at nakabalot sa Christmas wrapper. May timbang itong mahigit 200 gramo na aabot sa P1,360.000.

Nakuha rin dito ang buy-bust money na ginamit sa operasyon.

vuukle comment

MARIANO ALVAREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with