^

Probinsiya

Bagong Pilipinas Serbisyo Fair ni Pangulong Marcos, nakarating na sa Iloilo

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nasa 100,000 ­benepisyaryo ang target matulungan ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na naglalayong ilapit sa publiko ang mga serbisyo ng gobyerno.

Ito ang inihayag ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez matapos na makarating na rin sa Iloilo ang BPSF na programa ni PBBM nitong Sabado.

Ang caravan ay inilunsad sa tulong nina Iloilo Gov. Arthur Defensor at Iloilo Reps. Janette Garin, Ferjenel Biron, Jam ­Ba­ronda, Michael Gorriceta, Lorenz Defensor at Raul Tupas.

Maliban sa Biliran, una nang bumisita ang BPSF sa Ilocos Norte, Camarines Sur, Leyte, Laguna, Bukidnon, at Isabela. 

Sa Iloilo, nasa 51 ahensya ng pamahalaan ang nagdala ng may 160 serbisyo at programa sa publiko gaya ng social services, financial assistance at regulatory function. Kabilang dito ang “ayuda” o financial grants ng ilang mga ahensya gaya ng Assistance to ­Individuals in Crisis Situations (AICS) ng DSWD at Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) ng DOLE.

Dalawa ang layunin ang BPSF, una ay ang ilapit sa publiko ang serbisyo ng gobyerno at itaas ang kamalayan ng publiko kaugnay ng mga programa ng gobyerno, at isulong ang pagkakaisa at pagkakaunawaan sa pagitan ng mga Ilonggo.

“This initiative reflects the House of Representa­tives’ commitment to actively contribute to the President’s directives and play a vital role in shaping a Bagong Pilipinas,” saad ni Romualdez. 

Samantala, nagkaroon din ng Pasasalamat Concert sa unang gabi ng serbisyo caravan sa Guimbal National High School Track and Field Oval. Nasa 10,000 katao ang inasahang ­mano­nood sa libreng concert.

Idinagdag pa Romualdez, nais nilang madala ang Serbisyo Caravan sa lahat ng 82 probinsya sa buong bansa na inaasahang makakabenepisyo ng 2 milyong indibidwal.

BPSF

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with