Klase sa MSU, itutuloy na sa Disyembre 11
Matapos ang pambobomba sa campus
MANILA, Philippines — Balik-klase na ang mga estudyante gayundin ang mga academic activities sa Mindanao State University (MSU) simula sa Lunes, Disyembre 11 kasunod ng madugong pambobomba sa campus ng nakalipas na linggo.
Una nang sinuspinde ang klase sa unibersidad makaraan ang nangyaring pambobomba noong Linggo na ikinasawi ng apat na katao at umakyat pa sa 50 katao ang nasugatan.
Sa isang memoramdum na inilabas ng unibersidad, magtatagal ang in-person classes at academic activities hanggang Disyembre 22 para sa Christmas break.
Exempted naman ang mga biktimang naka-survive sa pagsabog mula sa pagdalo sa mga klase at pag-comply sa academic requirements habang sila ay nagrerekober pa mula sa nangyaring trahediya.
Sa pagpapatuloy naman ng klase, magpapakalat ng karadagan pang mga sundalo, pulis at iba pang security personnel sa campus.
Magbibigay din ng MSU ng mental health at psychosocial support services sa lahat ng mga estudyante at faculty personnel.
- Latest