^

Probinsiya

‘Wanted’ pumalag sa raid, todas sa pulis

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
‘Wanted’ pumalag sa raid, todas sa pulis
Dead-on-the-spot ang suspek na kinilalang si Andy Sacred, 28-anyos at residente ng Brgy. Talaba 6, Bacoor City, Cavite.
STAR/ File

CAVITE, Philippines — Bulagta ang isang lalaking wanted sa batas makaraang makipambuno sa isang pulis na umaaresto rito at tinangka pang agawan ng baril habang isinisilbi ang warrant of arrest laban sa kanya kamakalawa ng hapon sa Bagong Kalsada, Brgy. Zapote 1, Bacoor City.

Dead-on-the-spot ang suspek na kinilalang si Andy Sacred, 28-anyos at residente ng Brgy. Talaba 6, Bacoor City, Cavite.

Sa ulat mula kay Police Col. John Paolo V Carracedo ng Bacoor City Police, alas-12:40 ng tanghali nang magkasa ng operasyon ang kanilang Warrant Section na pinangunahan ni Police Chief Master Sergeant Kenneth Calong laban sa wanted person na si Sacred, bitbit ang warrant of arrest na inisyu ni Judge Maricar Sison ng RTC Branch 113, Bacoor City para sa mga kasong paglabag sa Sec 5 and Sec 11, Art 2 ng RA 9165.

Naabutan ng raiding team si Sacred sa nasabing lugar at nang isisilbi na ang arrest warrant ay dito na umano siya naglabas ng granada at nagsisigaw sa mga pulis.

Sinubukan pang pahupain at kausapin ng awtoridad ang suspek subalit nagtatakbo na habang hawak umano ang granada sanhi ng habulan. Dito ay bigla umanong inihagis ng suspek ang granada sa mga pulis na masuwerteng hindi sumabog.

Nagpatuloy ang habulan hanggang sa maabutan ni Police Chief Insp. Dominguez ang suspek subalit nanlaban umano ang huli at tinangka nitong agawin ang baril ng pulis kaya sila nagpambuno. Gayunman, biglang pumutok ang baril at nasapol ng bala ang suspek na ikinamatay nito.

BULAGTA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with