8 ‘tulak’ nasabat sa P2 milyong marijuana
MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Aabot sa halos 2 milyong pisong halaga ng pinatuyong dahon ng marijuana ang nakumpiska sa drug bust operation ng pulisya kamakalawa ng gabi sa Brgy. Gumaoc East, San Jose del Monte City, Bulacan na nagresulta sa pagkakaaresto ng walong hinihinalang drug pushers.
Sa ulat sa tanggapan ni P/Lt. Col. Jacquiline Puapo, OIC ng Provincial Police Office, kinilala ang mga naaresto na sina Ritz Reizhel Medrano, 25, binata, tubong Batangas; Jeweel Rosales, 18, dalaga; Jego Rosales, 20, binata; John Loyd Cabual, 23, binata; pawang taga-Brgy. Gumaoc East CSJDM; Jordan Luena, 25, binata; Karl Raven Alamag, 19, binata; Rowel Olermo, 18, binata, at 16-anyos na si Jeric; pawang residente sa NHV Brgy. Bitungol, Norzagaray, Bulacan.
Sa ulat, alas-11:20 ng gabi nang isagawang buy-bust ng pinagsanib na puwersa ng City Drug Enforcement Unit (CDEU) at San Jose del Monte City Police sa nasabing barangay at naaktuhan si Medrano na nagbebenta ng marijuana sa isang police asset na nagpanggap na buyer.
Kasabay ng pagkakaaresto kay Medrano, naaresto rin ang pito pa nitong kasamahan at nakumpiska sa kanila ang 10 bricks ng marijuana, isang sako ng marijuana at isang plastic bag ng marijuana na tumitimbang ng 15 kilo at may street value na P1,800.000.
- Latest