^

Probinsiya

Dorm pinasok ng ‘akyat bahay’, higit P.3 milyon kagamitan tangay

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Dorm pinasok ng âakyat bahayâ, higit P.3 milyon kagamitan tangay
Dakong alas-11:20 ng umaga kahapon nang personal na nagtungo sa tanggapan ng pulisya si Glenn Caguia, negos­yante, at may-ari ng nasabing dormitory upang i-report ang insidente.
STAR / File

CAVITE, Philippines — Nasa P.3 milyong halaga ng mga alahas at kagamitan ang nakulimbat sa isang dormitory matapos pasukin ng hinihinalang miyembro ng “akyat-bahay gang” kahapon ng madaling araw sa Villa Isabel, Brgy. Burol Main, Dasmariñas City.

Dakong alas-11:20 ng umaga kahapon nang personal na nagtungo sa tanggapan ng pulisya si Glenn Caguia, negos­yante, at may-ari ng nasabing dormitory upang i-report ang insidente.

Sa nakalap na CCTV footage sa nasabing lugar, dakong ala-1:30 ng mada­ling araw nang akyatin ng ‘di kilalang suspek ang dormitory. Gamit ang isang tinidor, sinira nito ang door lock ng kuwarto ng biktima at isa-isang tinangay ang mga gamit sa loob nito.

Nakuha ng suspek ang Samsung camera na may halagang P40,000, Canon 650 D camera na may hala­gang P120,000, Came­ra Flash na nasa P60,000, gold ring na P50,000 ang halaga, dalawang pares ng air pods na may hala­gang P18,000, 1-set ng gold earrings at P3,00 cash.

Nakita rin sa CCTV ang pagtakas ng suspek na sakay ng isang motorsiklo at lumabas ng nasabing subdivision.

DASMARIñAS CITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with