^

Probinsiya

'Utak ng nakawan' pasado sa 2023 Bar exams, nanghablot ng atensyon

James Relativo - Philstar.com
'Utak ng nakawan' pasado sa 2023 Bar exams, nanghablot ng atensyon
Litrato ni Jigger Geverola, na siyang pumasa sa 2023 Bar Exams para sa mga nangangarap mag-abogado
The Freeman

MANILA, Philippines — Nagawa ng dating political prisoner at diumano'y "mastermind" sa Cebu pawnshop robbery na si Jigger Geverola na pumasa sa 2023 Bar exams — dahilan para maging abogado siya oras na makapanumpa.

Ngayong Martes nang mapasama ang pangalan ni Geverola sa listahan ng successful examinees ilang araw matapos maaresto nitong ika-28 ng Nobyembre. Idinidiin siya ng ilang suspek sa nakawan sa Oro Sugbu Pawnshop and Jewelry Store.

Ilang araw pa lang ang nakalilipas nang iulat na law graduate mula sa Southwestern University si Geverola.

 

 

Dahil dito, isa ang suspek sa 3,812 pumasa sa Bar exams. Kabilang siya sa maliit na porsyentong pumasa sa naturang pagsusulit mula sa 10,387 na kumuha nito noong Setyembre.

Sinasabing meron lang 36.77% overall passing percentage ang Bar exams ngayong 2023.

'Red-tagged, nasa feeding program'

Una nang ikinatwirang nasa feeding program si Geverola habang nangyayari ang naturang nakawan. Sa kanila nito, sinabi ng Cebu City Police Office (CCPO) na hindi ito mahalaga dahil sa inginuso siya ng kapwa robbery suspects na sina Dann Carlo Flores at Jordan Baquino.

Ani Flores at Baquino, si Geverola raw ang nag-utos sa kanila na kunin ang pulang sedan na Honda Civic bilang "getaway vehicle."

Wika ni Police Colonel Ireneo Dalogdog, director ng Cebu City Police Office, kinikilala raw si Geverola ng militar bilang "high-profile official" ng Central Visayas Regional Party Committee ng Communist Party of the Philippines.

Sa kabila ng lahat ng ito, itinatanggi naman ni Geverola ang mga paratang sa kanya ng nawakan.

Maliban sa mga nabanggit sa itaas, inaresto rin para sa naturang nakawan ang retiradong Cebu City police officer na si Venancio "Tatay Ben" Abella— may mga ulat mula sa The Freeman

vuukle comment

2023 BAR EXAMS

CEBU

PAWNSHOP

POLITICAL PRISONER

RED-TAGGING

ROBBERY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with