^

Probinsiya

School principal todas sa ambus

John Unson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Agad na nasawi sa mga tama ng bala ang isang principal ng isang pampublikong paaralan sa lalawigan ng Maguinda­nao del Sur nang ito ay pagbabarilin sa naganap na ambush nitong Miyerkules ng hapon sa Lambayong, Sultan Kudarat.

Kinilala ang nasawing biktima na si Hermielex Kapusan, principal ng Tukanakuden Elementary School sa Barangay Tukanakuden sa Barongis, Maguindanao del Sur.

Ayon kay Major Jethro Doligas,hepe ng Lambayong municipal police,alas-5:00 ng hapon ay  sakay si Kapusan ng kanyang motorsiklo at pauwi na sa kanilang bahay nang harangin ng mga armadong kalalakihan sa isang bahagi ng highway,Purok Pag-asa sa Barangay Tinumigues at pinagbabaril.

Nang masigurong napatay ang biktima ay mabilis namang nakatakas ang mga salarin.

Naniniwala ang mga kamag-anak ng biktima na may kinalaman sa katatapos lang ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections dahil nagsilbi ito bilang isa sa mga poll personnel sa kanilang paaralan.

SULTAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with