^

Probinsiya

Sekyu, pinatay sa barracks

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

MARAGONDON, Cavite, Philippines — Isang sekyu ang natagpuang patay sa barracks matapos pagbabarilin ng hindi pa kilalang suspek,kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Eric Ilagan Causapin, nasa hustong gulang, security guard ng Seraph Security Agency at naka-assign sa Sitio Patungan,Brgy. Sta Mercedes,Maragondon Cavite.

Wala pang matukoy na suspek sa pamamaril sa biktima habang ipinagtataka ng pulisya ang biglang pagkawala ng isa sa kasama na nakilalang si Raymond Visto.

Sa imbestigasyon ng pulisya, alas-6:02 ng gabi magkakasama sa duty ang mga security guard na sina Adrian Deborja Olitan, Ranny Del Rosario Erna, Raymond Visto at ang biktima sa loob ng barracks.

Nagpasya sina Olitan at Erna na mag-roving patungo ng highway at naiwan sa barracks ang biktima at Visto nang makarinig sila nang sunod - sunod na putok.

Agad na bumalik sina Olitan at Erna sa barracks na pinanggalingan ng mga putok at dito ay nakita nila ang biktima na  duguang nakahandusay.

Habang isang motor ang kanilang napansin sa hindi kalayuan na patakas at ang ipinagtataka ng mga ito ay nakasakay si Visto.

Kasalukuyan ang pag-iimbestiga ng pulisya  at inaalam kung ang kasamahang security guard din ang bumaril at nakapatay sa biktima o isa din si Visto na tinangay ng mga di nakilalang suspek sa pagtakas.

vuukle comment

SEKYU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with