^

Probinsiya

Missing beauty queen ‘binubugbog’ ng dyowang pulis

Ed Amoroso, Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Missing beauty queen �binubugbog� ng dyowang pulis
Miss Grand Philippines 2023 candidate Catherine Camilon
Miss Grand Philippines via Facebook

Isinumbong sa misis na may kabit

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines — Dumanas umano ng pananakit ang beauty queen finalist na si Catherine Camilon mula sa kamay ng kanyang boyfriend na police major bago ang kanyang pagkawala sa Tuy, Batangas noong Oktubre 12.

Ayon ito kay Col. Jacinto Malinao, Criminal Investigation and Detection Group-Calabarzon police director, base sa ibinunyag ng kapatid mismo ni Camilon na si Chin-chin.

Sa statement ni Chin-Chin, may mga pagkakataon umanong may mga pasa sa katawan ang kanyang kapatid na si Catherine dahil sa matinding pananakit ng kanyang nobyong police major.

Sinabi ni Malinao na iprinisinta ni Chin-chin sa mga lady probers ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG-4A), ang mara­ming screen shots na nagpapakita ng mga “conversations” o pag-uusap sa pagitan nina Catherine at akusadong si Police Major Allan de Castro.

Dagdag ni Malinao, nagalit umano si De Castro kay Catherine nang magsumbong ang nasabing beauty queen finalist sa mismong misis ng una, na nagsabing may relasyon sa ibang babae ang kanyang mister.

Nabatid pa na sinasaktan din ng nasabing police official si Catherine kapag nasa impluwensya umano ng alak ang una.

Kamakalawa ay si­nam­pahan na ng kasong kidnapping at illegal detention laban kay Major De Castro kasama ang kanyang personal driver na si Jeffrey Magpantay at dalawa pang “John Does” sa Batangas Provincial Prosecutor’s Office. Ang naturang kaso ay opisyal nang nai-refer sa piskalya para sa ebalwasyon at preliminary investigation.

Samantala, ang kasong administratibo laban kay De Castro ay naihain na rin sa Regional Internal Affair Officer sa ilalim ng motu propio doctrine.

vuukle comment

BEAUTY QUEEN

POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with