^

Probinsiya

Mag-live in na dinukot, natagpuang patay!    

Tony Sandoval, Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Mag-live in na dinukot, natagpuang patay!      
Ang mag-live in partners na natagpuang kapwa nakagapos, nakasako at patay na sa construction site sa Laguna matapos silang dukutin ng mga ‘di kilalang suspek sa Lucena City nitong Biyernes.
Courtesy: Alaminos Laguna Police

MANILA, Philippines — Kapwa patay na nang matagpuan sa isang cons­truction site sa Alaminos, Laguna ang live in partners na dinukot sa Lucena City sa lalawigan ng Quezon noong Biyernes.

Kinumpirma ng mga kaanak sa himpilan ng Lucena City Police, base sa mga tattoo at ibang palatandaan na ang dalawang bangkay na natagpuan ay ang nawawala nilang kaanak noon pang Biyernes ng umaga.

Sila ay kinilalang sina Loloy Sagala, 50-anyos, naninirahan sa Barangay Marketview, at ang live in partner nitong si Annvel Alvelez, 40-anyos, tubong Bohol.

Base sa salaysay sa himpilan ng pulisya ng mga kaanak ng biktima, ang dalawang biktima ay sakay ng kulay blue na single motorcycle at binabagtas ang Barangay Road dakong alas-3:00 ng hapon.

Ayon sa mga saksi, nang mapatapat sa Del Maro Resort sa Barangay Ibabang Iyam, Lucena City ang mga biktima ay hinarang sila ng isang kulay puting van saka sapilitang isinakay.

Base naman sa ulat ng Alaminos Police sa Laguna, natagpuan ang mga biktima sa TR4 Road na sakop ng Barangay San Miguel dakong alas-7:20 ng umaga nitong Sabado.

Ang mga biktima ay parehong nakatali ang mga kamay na nakalagay sa kanilang likuran at kapwa nakabalot ng packaging tape ang mga ulo at nakasako nang matagpuan.

Patuloy pang nagsa­sagawa ng imbestigas­yon ang Alaminos at Lucena Police hinggil sa nasabing krimen.

LUCENA CITY POLICE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with