^

Probinsiya

Criminology student na ‘top most wanted’ inaresto sa iskul

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon
Criminology student na âtop most wantedâ inaresto sa iskul
Kinilala ni Bulacan Provincial Police Office director, Colonel Relly Arnedo, ang suspek na si Renz Reiven Pablo, 20-anyos, criminology student ng Maligaya St., Barangay Bagong Nayon.
Philstar.com / Jovannie Lambayan, File

MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Naaresto ng mga operatiba ng Baliwag City Police ang isang crimino­logy student na nakatala bilang “No. 5 most wanted person (MWP)” sa buong lalawigan ng Bulacan at “Top 1 MWP” naman sa siyudad na ito dahil sa mga kasong rape.

Kinilala ni Bulacan Provincial Police Office director, Colonel Relly Arnedo, ang suspek na si Renz Reiven Pablo, 20-anyos, criminology student ng Maligaya St., Barangay Bagong Nayon.

Ayon kay Police Staff Sgt. Rafael Tagle, alas-11:30 ng umaga nitong Lunes nang arestuhin ang suspek habang nasa loob ng eskwelahan sa Brgy. Pagala.

Inaresto ang suspek sa bisa ng tatlong warrant of arrests na inilabas ni Branch 73 Olongapo City RTC Presiding Judge Edwin Chu Torres sa mga kasong panggagahasa.

Pansamantalang ikinulong sa Baliwag City Jail ang suspek kung saan walang piyansang inirekomenda ang korte laban dito.

vuukle comment

ARRESTED

CRIMINOLOGY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with