^

Probinsiya

Paslit nalason sa kinaing bunga ng wild grass

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Paslit nalason sa kinaing bunga ng wild grass
Sa paunang imbestigasyon ng City Health Office, pinaglalaruan umano ng dalawang biktima ang wild grass at kalaunan ay tinikman ang mga ito, ayon sa mga kalaro ng dalawang biktima.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Nasawi ang isang 2-anyos na  bata sa ospital habang inoob­serbahan ang isa niyang kalaro maka­raang malason umano sila sa kinaing bunga ng “wild grass” sa San Carlos City, Pangasinan.

Sa paunang imbestigasyon ng City Health Office, pinaglalaruan umano ng dalawang biktima ang wild grass at kalaunan ay tinikman ang mga ito, ayon sa mga kalaro ng dalawang biktima.

Ayon kay Chary Banlaoi, hepe ng Sanitation Office, San Carlos CHO na hindi pa matukoy kung anong klase ang bunga o halaman ang nakain ng mga biktima pero  may ibang hinala ang lola ng nasawing bata.

Aniya, ang tubig umano na galing sa refilling station ang nakalason at nakapatay sa biktima matapos na nakita raw niyang uminom ng tubig ang kaniyang apo at nagsuka.

Itinanggi ng manager ng water refilling station ang alegasyon at tinawag niya itong paninira.

Giit niya kung may lason ang tubig ay bakit ang bata lang umano ang naapektuhan.

GRASS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with