^

Probinsiya

Natalong SK candidate, nagpakamatay

Jennifer Rendon - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang 22-anyos na lalaki na natalo sa pagtakbo sa Sangguniang Kabataan sa nakalipas na election ang umano’y nagpakamatay sa loob ng kanilang bahay sa Jaro, Iloilo City.

Ang biktima na si alyas Nonoy, estud­yante ay natagpuang walang malay dakong alas-2:00 ng madaling araw  nitong Nov. 2.

Ang ama nito ang nakatuklas sa insidente at agad na dinala ang biktima sa West Visayas State University Medical Center, subalit idineklarang dead on arrival.

Sinabi ni Major Eduardo Siacon, Jr., Ilo­ilo City Police Station 3 chief, na nakumpirma nilang natalo ang biktima sa pagtakbo nito bilang SK kagawad.

Walang nakita ang pulisya na may naganap na foul play sa pagkamatay ni Nonoy at naniniwala ang mga imbestigador na may ibang dahilan ang pagpapakamatay nito.

“Isa sa mga factor ay problema sa pamilya at nakadagdag pa dito ang pagkatalo niya sa eleksyon,” wika ni Sia­con.

NONOY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with