^

Probinsiya

Miyembro ng CTG na may kasong pagpatay, nadakip

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang kasapi ng Communist Terrorist Group (CTG) na may kasong pagpatay ang naaresto sa inilatag na Project H.O.R.S.E. (Hinterland Operational Response for Services and Emergency) ng tropa ng pamahalaan nitong Huwebes sa bayan ng Maitum.

Ayon kay Police Brigadier General General Jimili L Macaraeg, PRO-12 Regional Director, kinilala lamang ang nadakip na suspek sa alyas “Anef”, 18, may kasong murder, Non-Periodic Status Report listed person at miyembro ng Guerilla Front 73 MUSA Far South Mindanao Region, na ang-ooperate sa Maasim, Kiamba, Maitum at iba pang lugar sa nasabing pro­binsya.

Sa pinagsamang operasyon ng Maitum Municipal Police Station, Sarangani Police Provincial Office (SPPO), Police Regional Office 12, Sarangani Provincial Mobile Force Company, at 38th Infantry Battalion ng Philippine Army, nadakip ang suspek sa Barangay Batian, Maitum, Sarangani Province.

Kasalukuyang nakakulong sa lock-up cell ng Maitum Municipal Police Station ang suspek at walang ini­rekomendang piyansa para sa pansamantala nitong kalayaan.

GENERAL

POLICE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with