Guro na namalo ng estudyante, kakasuhan
MANILA, Philippines — Posibleng masibak sa serbisyo ang isang public school teacher makaraan kumalat sa social media ang umano’y pamamalo nito sa kanyang mga estudyante noong Martes sa Tacloban City.
Ayon sa Department of Education (DepEd) inatasan na nila ang DepEd Leyte division office na imbestigahan ang insidente na nag-viral sa social media tungkol sa umano’y pang-aabuso ng guro.
Nangako ang DepEd na kapag napatunayan na may pang-aabuso ang ginawa ng guro ay maaari itong maharap sa kaukulang kaso.
Tiniyak din ng pamunuan ng DepEd sa publiko na tutukan nila ang nasabing kaso dahil ng pangunahing layunin nito ay mapangalagaan at protektahan ang mga mag-aaral .
Noong Oktubre 24,ibinahagi ng mga netizens sa social media ang isang video ng isang public school teacher at inatasan ang kanyang mga estudyante na mag-squat sa loob ng classroom habang may hawak na walis at tila pinagpapalo ang mga mag-aaral.
Sa ilalim ng DepEd child protection policy na inilabas noong 2012 ang corporal o physical punishment, tulad ng pambubugbog ay mahigpit na ipinagbabawal.
- Latest