Halos P20 milyong marijuana nasabat sa Kalinga
BAGUIO CITY, Philippines — Nasa halos P20 milyong halaga ng pinatuyong dahon ng marijuana at stalks nito ang nakumpiska mula sa isang hinihinalang dayong drug courier mula Nueva Ecija sa isang operasyon sa Tabuk City, Kalinga kamakalawa ng hapon.
Ayon kay Cordillera Police director Brig. Gen. David K. Peredo Jr., nasa 156 piraso ng marijuana leaves at stalks na nasa bricks form na nakabalot sa transparent tape at tumitimbang ng 156 kilograms na may halagang P18,720,000, at 20 pang piraso ng dried marijuana leaves and stalks na nasa tubular na nasa 10 kilo at nagkakahalaga ng P1,200,000 ang nasabat mula sa suspek na si Benjamin Fajardo Bauto, isang on-call driver at residente ng Block 3, Lot 33, Benitez Subdivision, Concepcion, Zaragoza, Nueva Ecija.
Sinabi ni Peredo Jr. na si Bauto ay lulan ng isang van na may plate number MGO 777 nang lampasan nito ang police checkpoint sa Sitio Dinakan, Barangay Dangoy, Lubuagan.
Gayunman, nakorner ng mga alertong pulis si Bauto matapos ang apat na oras sa Calanan, Tabuk City, Kalinga capital at nasamsam sa loob ng puting van nito ang bultu-bultong marijuana bricks at stalks
- Latest