^

Probinsiya

Mayor sa Cavite inireklamo ng ‘vote buying’

Joy Cantos, Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Mayor sa Cavite inireklamo ng âvote buyingâ
Sa inihaing reklamo ni dating Trece Martires City Mayor Melencio De Sagun, na naitala sa himpilan ng Trece Martires City Police dakong alas-6:55 ng gabi nitong Biyernes, tahasang sinabi nito na sangkot sa vote buying si Trece Martires City Mayor Gemma Lubigan na tinukoy sa report ng pulisya na alias “Gemma”.
STAR / File

MANILA, Philippines — Umiinit na ang pulitika sa Cavite matapos na ireklamo ng “vote buying” ng dating alkalde ang incumbent mayor ng Trece Martires City kaugnay ng gaganaping Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Oktubre 30, ayon sa ulat ng pulisya nitong Sabado.

Sa inihaing reklamo ni dating Trece Martires City Mayor Melencio De Sagun, na naitala sa himpilan ng Trece Martires City Police dakong alas-6:55 ng gabi nitong Biyernes, tahasang sinabi nito na sangkot sa vote buying si Trece Martires City Mayor Gemma Lubigan na tinukoy sa report ng pulisya na alias “Gemma”.

Base sa salaysay ni De Sagun, nangyari umano ang vote buying na kinasangkutan ni Lubigan dakong alas-9 ng umaga noong Oktubre 20  na naabutan niya sa Queen’s Joy Resort sa Brgy. San Agustin, Trece Martires City.

Ayon kay De Sagun, agad niyang napansin ang pagtitipon ng mga tao sa meeting hall ng nasabing resort.

Nag-isyu naman ng sertipikasyon ang Trece Martires City Police Station at agad nagtungo ang mga ope­­ratiba sa Queen’s Joy Resort upang alamin kung may katotohanan ang alegasyon ng dating alkalde ng lungsod.

Ang pangyayaring ito ay ipinaabot na rin sa kaalaman ni Comelec election officer Atty. James Andrew Recio.

Sa panig ng kampo ni Lubigan, itinanggi nila na sangkot sa vote buying ang alkalde.

“The investigation is still ongoing to prove the claims of Mr. De Sagun and will prepare necessary papers for filing of case if warranted,” ayon sa report ng Calabarzon Police.

ELECTION

VOTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with