^

Probinsiya

Solon nakapagbenta ng P35/kilo ng bigas

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Solon nakapagbenta ng P35/kilo ng bigas
Ang programa ni Marcoleta ay isang malawakang kampanya para sagipin ang mga magsasaka ng bigas sa bansa sa pamamagitan ng isang pormula na susupil sa mga  hoarders at smugglers na pinaniniwalaan niyang pangunahing sanhi sa patuloy na pagtaas ng presyo ng bigas.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Pinatunayan ni SAGIP Partylist Rep. Dante Marcoleta sa paglulunsad ng “Adopt-a-Farmer Program”  ang pagbebenta ng mura at masarap na bigas at magbibigay ng dagdag kita para sa magsasaka.

Ang programa ni Marcoleta ay isang malawakang kampanya para sagipin ang mga magsasaka ng bigas sa bansa sa pamamagitan ng isang pormula na susupil sa mga  hoarders at smugglers na pinaniniwalaan niyang pangunahing sanhi sa patuloy na pagtaas ng presyo ng bigas.

Sa Barangay Cristo Rey, Capas, Tarlac, ibinenta ng grupo ni Marcoleta ang magandang bigas na denorado sa halagang P35 pesos lamang, mas mababa ng 17 piso sa aktwal na bentahan sa merkado.

Daan-daang mga taga-Capas ang pumila at bumili dahil sa mura at masarap na bigas. Itinakda sa limang kilo ang limit kada pamilya para  mas marami ang makinabang at maiwasan din ang panic buying at hoarding.

Ang naturang programa ni Marcoleta ay naaayon sa adyenda ng Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos na maibaba ang presyo ng bigas at makamit ang kasapatan at seguridad sa pagkain.

Unang tumugon sa panawagan ay ang negosyanteng si Tony Marfori at mga miyembro ng Pampanga Chamber of Commerce na bumili ng aning palay direkta mula sa mga magsasaka sa halagang mas mataas ng 3 piso sa P19 pesos buying price ng National Food Authority (NFA).

Kasama rin na dumalo sa aktibidad ay sina dating Capas Mayor TJ Rodriguez, mga kasapi ng Provincial Board Member League of the Philippines, at mga opisyal ng naturang barangay.

SAGIP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with