MOA para sa drug rehabilitation sa Quezon Province, nilagdaan
TAYABAS CITY CEBU, Philippines — Lumagda sa isang kasunduan o Memorandum of Agreement (MOA) ang pamahalaang panlalawigan ng Quezon at Department of Health Treatment and Rehabilitation Center (DOH TRC) – Bicutan kamakalawa na ginanap sa St.Jude Multi-Purpose Cooperative, Barangay Isabang sa lungsod na ito.
Pinangunahan ni Governor Doktora Helen Tan ang paglagda sa bahagi ng pamahalaang panlalawigan at si Chief of Hospital Dr. Alfonso Villaroman naman ang nanguna sa bahagi ng DOH TRC – Bicutan.
Layon ng kasunduang ito na magamit ng mga drug surrenderees mula sa lalawigan ng Quezon ang naturang treatment and rehabilitation center at mga programa nito upang matulungang makaahon at makawala mula sa pagkalulong sa ipinagbabawal na gamot at maging maayos muli ang buhay pagbalik sa komunidad na kanilang kinabibilangan.
Aminado si Governor Tan na ikalawang suliranin na kinakaharap ng lalawigan ng Quezon ang pagtaas ng kaso ng mga mamamayang nauugnay sa droga.
Nangako naman si Dr. Villaroman na tutulong sila sa abot at higit ng kanilang makakaya para sa mga pasyente ng Quezon.
- Latest