^

Probinsiya

Camarines Sur solon: ‘Mapanirang istilo ng pamumulitika, dedmahin!’

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nanawagan si National Unity Party (NUP) President at 2nd District Camarines Sur Rep. Luis Raymund Villafuerte sa mga Pilipino na iwasan ang mapanirang istilo ng pamumulitika na umaagaw ng atensiyon na dapat ituon ng gobyerno sa mga problema ng bansa lalo na sa mataas na presyo ng produktong petrol­yo na may matin­ding epekto sa ekonomiya.

Ayon kay Villafuerte, nagsisimula na namang sumirit ang presyo ng langis dahil sa patuloy na digmaan ng Israel at Hamas militants kung saan dapat na maghanda ang gobyerno sa posibleng fallout.

“The last thing we need right now is for crass, divisive politics distracting us from the possible problems that could arise from this brewing crisis,” ayon kay Villafuerte.

Kasabay nito, umapela si Villafuerte sa mga nasa likod ng pinakamababang uri ng pamumulitika na tumigil na at sa halip ay tumulong na lamang sa paghahanap ng solusyon na makatutulong sa pag-angat ng ekonomiya.

“Sa halip na gumawa ng mga imbentong kwento, magtulungan na lang tayo. Lahat naman tayo ay apektado dito. Tapos na ang panahon ng mga siraan, mga alegasyon na walang basehan at haka-haka lamang. Pagkakaisa ang tamang paraan para malunasan natin ang mga problemang kinakaharap ng ating bansa,” pahayag ng solon.

Binigyang diin ni Villafuerte na may mga bagay tulad ng mga panlabas na kaganapan na wala sa kontrol ng pamahalaan gaya ng pagsirit ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkadro na nagpataas rin sa inflation rate.

“President Ferdinand Marcos Jr. has demonstrated toughness, decisiveness and quick action,” saad ni Villafuerte na tinukoy ang mabilis na pamamahagi ng smuggled na bigas ng administrasyon para sa mga mahihirap na pamilya.

Ayon kay Villafuerte, inaksiyunan din ng Punong Ehekutibo ang paghahain ng kaso laban sa mga hoarders at smugglers ng bigas, nagpatupad ng price caps sa regular at well-milled rice para mag-stabilize ang presyo ng bigas sa merkado.

NUP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with