Konsehal sa Bohol, itinumba ng tandem
MANILA, Philippines — Isang municipal councilor sa Buenavista, Bohol ang nasawi nang pagbabarilin sa naganap na ambush, kahapon ng umaga.
Ayon sa Bohol Provincial Police Office (BPPO), kinilala ang biktima na si Danilo Hayag Añora, isang konsehal at naninirahan sa Brgy. Dait Norte sa Buenavista.
Lumabas sa imbestigasyon na pauwi na ng bahay si Añora sakay ng motorsiklo mula sa sabungan sa Buenavista bandang 12:30 ng madaling araw nang barilin ng mga suspek na sakay din ng motorsiklo.
Dinala sa Francisco Dagohoy Municipal Hospital ang biktima kung saan idineklarang dead on arrival.
Nagsasagawa na ng hot pursuit operation ang Buenavista police sa ikadarakip ng mga suspek.
Ayon sa BPPO, ang Dait Norte, Buenavista ay isang election area of concern. Posibleng politika ang motibo ng pagpaslang sa konsehal.
- Latest