^

Probinsiya

Mangingisda pumalaot sa Pacific Ocean nawawala, rescue ops ikinasa

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
Mangingisda pumalaot sa Pacific Ocean nawawala, rescue ops ikinasa
Base sa ulat ni Que­zon Police Provincial Office Director PCol. Ledon Monte, kinilala ang nawawalang ma­ngingisda na si Rodel Armada alyas “ Odak”,  52-anyos at residente ng Purok 7 Sapam Palay, Barangay San Juan, Panukulan, Quezon.
STAR/Michael Varcas

CAMP NAKAR, Lucena City, Philippines — Patuloy ang isinasagawang operas­yon ng mga otoridad upang mahanap ang isang mangingisda na napaulat na nawawala makaraang pumalaot sa bahagi ng Pacific Ocean upang manghuli ng pusit.

Base sa ulat ni Que­zon Police Provincial Office Director PCol. Ledon Monte, kinilala ang nawawalang ma­ngingisda na si Rodel Armada alyas “ Odak”,  52-anyos at residente ng Purok 7 Sapam Palay, Barangay San Juan, Panukulan, Quezon.

Ayon sa Panukulan Municipal Disaster Risk Reduction and Ma­nagement Office (MDRRMO), bandang alas-2:00 ng hapon kamaka­lawa nang umalis mula sa Sapam Palay Port si Armada at ng kanyang mga kasamang mangi­ngisda subalit sa gitna nito ay naghiwalay ang kanilang mga bangka at nawala umano ang bangkang pangisda ni Armada.

Agad na ipinagbigay-alam ng mga mangi­ngisda sa awtoridad ang pagkawala ni Armada.

Nagkasa na ng search and rescue ope­ra­tion ang awtoridad sa ka­ragatan kasabay ng pa­­­tuloy na pakikipag-ug­nayan nila sa mga ka­lapit na munisipalidad upang mapabilis ang paghahanap sa naturang nawawalang mangingisda.

PACIFIC OCEAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with