^

Probinsiya

5 tepok sa leptospirosis sa Baguio

Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon
5 tepok sa leptospirosis sa Baguio
Sa nasabing tala ng CHSO, lumalabas na may 45 na tinamaan ng leptospirosis mula Enero 1 hanggang Setyembre 22, 2023.
STAR / File

BAGUIO CITY, Philippines — Bunsod ng mga pagbaha, umabot sa limang katao ang patay dito sa lungsod dahil sa leptospirosis na nakukuha sa ihi ng mga daga, ayon sa City Health Services Office (CHSO) kahapon.

Sa nasabing tala ng CHSO, lumalabas na may 45 na tinamaan ng leptospirosis mula Enero 1 hanggang Setyembre 22, 2023.

Sa naturang bilang, 38 dito ang lalaki at pito ang babae na nagkakaedad ng isa hanggang 45.

Nagbabala naman ang CHSO na maaari pang tumaas ang bilang ng mga tinataman ng nasabing bacterial infection.

Nabatid na karamihan sa mga tinamaan ng leptospirosis ay sa mataong Barangay Irisan na may 11 kaso, na sinundan ng Bakakeng Central, Asin Road, Lourdes Subdivision Extension na may tig-tatlong kaso; ang Cabinet Hill-Teacher’s Camp, Fairview Village, Gabriela Silang na may tig-dalawang kaso at ang Aurora Hill Proper, Gibraltar at Santo Tomas Proper na may tig-iisang kaso.

Kasabay ng paghayag ng pagkabahala dahil sa pagtaas ng bilang ng mga nasawi at tinatamaan ng leptospirosis, pinaalalahanan ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang lahat sa lungsod na panatilihing malinis ang kanilang kapaligiran at iwasan ang paglusong sa baha upang hindi pasukan ng bacteria ang kanilang sugat mula sa tae at ihi ng mga daga.

Kabilang sa sintomas ng leptospirosis ay mataas na lagnat, matinding sakit ng ulo, masakit na muscles o kalamnan, at namumulang mata sa ibang kaso. Sa malalang kaso, maaaring tamaan ang atay, utak, at magkaroon ng kidney failure, may paninilaw ng buong katawan, makulay na ihi, malabnaw na dumi, at mahinang pag-ihi.

CHSO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with