^

Probinsiya

4 HVT timbog sa higit 2-kilong marijuana

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
4 HVT timbog sa higit 2-kilong marijuana
Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Jayson Trilles, 18-anyos, ng Pintong Gubat, Paliparan 3, Dasmariñas City; Rayven Sarmiento, 25, ng Blk 41 L2 Brgy. Victoria Reyes, Dasmariñas, City; kapwa nasa High Value Target, Mark Glenn Rabino , 23-anyos ng Brgy. Paliparan 3 Dasmariñas City at Norl Niegad, 19-anyos ng Brgy. Salawag, Dasmariñas City,
STAR/KJ Rosales, file

CAVITE, Philippines — Nalambat ng pulisya ang apat na high value target (HVT) ng pulisya matapos na makuhanan ng mahigit 2 kilong marijuna sa isinagawang drug bust sa Brgy. Paliparan 3, Dasmariñas City.

Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Jayson Trilles, 18-anyos, ng Pintong Gubat, Paliparan 3, Dasmariñas City; Rayven Sarmiento, 25, ng Blk 41 L2 Brgy. Victoria Reyes, Dasmariñas, City; kapwa nasa High Value Target, Mark Glenn Rabino , 23-anyos ng Brgy. Paliparan 3 Dasmariñas City at Norl Niegad, 19-anyos ng Brgy. Salawag, Dasmariñas City,

Ayon kay Police Col Marlo Solero, hepe ng pulisya sa lungsod, matapos ang ginawang ilang araw na surveillance, nagkasa sila ng buy-bust operation kasama ang Provincial Drug Enforcement Unit ng Cavite-PPO laban sa mga suspek.

Nang magkabilihan narekober sa mga suspek ang 2 malaking plastic na naglalaman ng mga Marijuana Bricks na aabot sa timbang na 2,200 gramo o 2.2 kilo na may halagang P264,000.

Narekober din sa mga suspek ang buy-bust money na ginamit sa operasyon, cellphone at isang back pack bag kung saan nakasilid ang mga droga.

vuukle comment

DASMARIñAS CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with