Masbate City niyanig ng 4.7 magnitude na lindol
MANILA, Philippines — Nasa magnitude 4.7 na lindol ang yumanig sa Masbate City kahapon ng umaga.
Batay sa inilabas na Earthquake Information No. 2 ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), nabatid na dakong alas-6:21 ng umaga nang maramdaman ang sentro ng lindol sa Masbate City.
Tectonic ang pinagmulan ng lindol na may 011 kilometrong lalim.
Ayon sa Phivolcs, naramdaman ang Intensity IV sa Masbate City at San Fernando sa Masbate; Intensity III sa Batuan, Milagros, Mobo at Monreal sa Masbate; Intensity II sa Aroroy, Baleno at San Pascual sa Masbate; Allen, San Isidro, at Victoria sa Northern Samar; at Calbayog City sa Samar; at Intensity I sa Palanas at Mandaon sa Masbate.
Mayroon din namang naitalang mga Instrumental Intensities sa Masbate City, Masbate na nasa Intensity IV; Batuan at Milagros, Masbate na nasa Intensity III; Aroroy, Masbate; Rosario Northern Samar; Bulusan, Sorsogon; at Legazpi City, Albay na nasa Intensity II at Cataingan, Masbate at Kawayan, Biliran, na nasa Intensity I.
Sa kabila nito, sinabi ng Phivolcs na wala silang inaasahang pinsalang posibleng maiulat dulot ng lindol ngunit asahan na anila ang pagkakaroon ng mga aftershocks.
- Latest